Mining nagdudulot ng paghihirap

HINAHANGAAN ko ang advocacy ni Ms. Gina Lopez ng ABS-CBN Foundation laban sa masamang patakaran sa mining industry.

Ang studies na binibigyan niya ng pansin ay nagpapatunay na lalong naghihirap ang mga taong nasa paligid ng isang minahan.

Talaga naman kasing dapat na itigil ang mga minahan lalong-lalo na sa mga lugar na may magagandang tanawin.

Bilang pagpapatunay, isang study na ginawa ni Dr. Arsenio Balicasan ng UP School of Economics ang dapat bigyan ng pansin ng lahat.

Ayon sa kanyang ginawang pag-aaral, mas naging mahirap pa ang mga lugar na kung saan merong mining operation.

Kabilang sa mga lugar na nagkaroon ng sobrang paghihirap ang Samar at Benguet.

Ang Benguet na kung saan naroon ang operasyon ng Philex Mines ay lalo pang naghirap, ayon sa study ni Dr. Balicasan.

Ang Philex ay pag-aari ngayon nina Manuel Pangilinan at Roberto Ongpin.

Iniimbestigahan na ng Ombudsman kung paano napasakamay nila ang Philex na financed by the Development Bank of the Philippines.

Ang Benguet naman ay pag-aari ngayon ng mga anak ni Jojoy Romualdez.

Ang namayapang si Jaime Ongpin, brother ni Roberto, ay dating president ng Benguet noong panahon ni Marcos.

Ani Ms. Gina, ang minahan sa Benguet ay wala pang na-rehabilitate at  taliwas ito sa sinasabi ni Manny Pangilinan na maganda ang naidulot ng minahan para sa Pilipinas.

Pinasubalian din ni Ms. Gina Lopez ang mga pagmamalaki ng mining execs na katulad ni Mr. Pangilinan dahil kasi matindi ang masamang epekto ng mga minahan hindi lamang sa environment kundi pati na sa poverty incidence, biodiversity at food security.

Dapat sigurong tutukan ng Malakanyang ang mga sinasabi ni Ms. Lopez dahil totoo naman ang kanyang mga tinuran laban sa mining.

Bakit nga ba kailangan pa ang isang minahan kung maaari naman ang tourism na puwedeng pamalit dito?

Maraming beach at magagandang tanawin at mga bundok ang nasisira at nakakalbo dahil na rin sa mining operations.

Pinupuri namin ang katapangan na ipinamamalas ni Ms. Gina lalong-lalo na nang harapin niya ang mga opisyal ng Chamber of Mining sa bansa sa isang debate na kung saan binigyan niya ng katuturan ang kanyang natatanging advocacy.

Mabuhay ka, Ms. Gina, at nawa’y makinig si Ginoong Pangulo para maiwasan na ang sobrang pahirap na dulot ng mga minahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply