Miriam inireklamo sa Senate ethics committee

INIREKLAMO ng grupong Born Free Coalition for Truth and Justice sa Senate ethics committee si Senadora Miriam Defensor Santiago.

Ayon sa grupo may “kagaspangan” ang senadora noong tawagin nitong “g-a-g-o” ang prosekusyon.

Sinabi ni Socorro Guatlo Jr., mula sa nasabing grupo, na matinding pang-iinsulto ang tinuran ng senadora hindi lamang sa prosekusyon kundi maging sa mga Filipino na nakasubaybay sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Bukdo dito, umaapela rin ang grupo sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) na aksyunan ang inasal ng senadora.

Pinagpa-public apology din nila si Santiago.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply