Miriam tiniyak na makaboboto sa Corona case

TINIYAK ngayon ni Sen. Miriam Defensor Santiago na dadalo at makakaboto siya sa impeachment case ni Supreme Chief Justice Renato Corona.

Ito ay matapos na pagbigyan ng International Criminal Court (ICC) ang kanyang hiling na ipagpaliban muna ang kanyang panunumpa bilang bagong huwes ng korte na dapat sana ay isasagawa sa Marso 9, 2012.

Samanatala, manunumpa ang anim na bagong nahalal na huwes sa ICC, kasama ang senadora pagkatapos ng kanilang tatlong araw na seminar.

Tapos nito ay pwede pang bumalik sa kanilang sariling bansa ang mga bagong halal na huwes at hintayin ang pagpapatawag ng hukuman para sa pagsisimula nila sa trabaho.

Hindi rin muna pinagbibitiw ng ICC ang mga naturang huwes sa kanilang mga trabaho dahil hindi pa tiyak kung kailan magsisimula ang kanilang tungkulin.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply