Misis ginilitan, pinutulan ng dila ni mister

NASAWI ang isang ginang makaraang putulin umano ang dila nito at laslasin ang leeg ng kanyang mismong asawa sa San Remehiyo, Antique.

Natagpuang may sugat sa leeg, putol ang dila, at may matigas na bagay sa kaliwang mata ang biktimang kinilala na si Marilyn Martino, 26.

Itinuturong suspek sa pagpatay ang asawa nito, na agad sumuko sa pulisya kung saan aminado umano ang suspek sa ginawang krimen subalit iginiit nito na mahal na mahal niya ang kanyang asawa at wala umano siya sa hustong pag-iisip noong ginawa niya ang krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon, walang pinag-awayan ang mag-asawa at wala ring history ng insidente ng nervous breakdown ang suspek.

Itinanggi rin ng mister na gumagamit siya ng droga.

Nahaharap sa kasong parricide ang suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply