Misis inutas muna ni mister saka nagpakamatay

PINATAY muna ang kanyang misis bago nagpakamatay ang isang Pinoy na kapwa natagpuan ang bangkay sa kanilang bahay sa Brentwood, California, Estados Unidos.

Sa ulat ng awtoridad sa Califiornia, kinilala ang mag-asawa na sina Christopher Lo, 47 at misis na si Joyce, 42.

Sa inisyal na imbestigasyon, binaril ni Lo ang kanyang asawa bago nagbaril sa sarili na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito.

Nadiskubre ang bangkay ng mag-asawa sa loob ng kanilang kwarto ng kanilang 13-anyos na anak na babae.

Hindi pa malinaw ang motibo ng pagpapakamatay ng mag-asawa na sinasabing nasa proseso ngayon ng diborsyo.

Nagsasagawa na rin ng awtopsiya ang awtoridad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply