Misis ni Corona tetestigo sa bank accounts

PORMAL nang inihayag ni dating Associate Justice Serafin Cuevas na nakatakdang tumestigo ang asawa ni Chief Justice Renato Corona na si Cristina hinggil sa multi-milyong bank account ng punong mahistrado sa Philippine Savings Bank (PSBank).

Sa panayam bago tumungo sa pulong kay Senate President Juan Ponce Enrile kanina, sinabi ni Cuevas na nakumbinsi na nilang tumestigo si Cristina upang magbigay-linaw sa multi-milyong bank accounts ni Corona sa PSBank.

“We are now sure that Chief Justice’s wife will testify, but we are not sure if the chief justice himself will testify,” ayon kay Cuevas.

Sinabi pa ni Cuevas na bukod sa bank account, tetestigo rin si Cristina sa isyu ng statement of assets, liabilities and Net worth ni Corona na siyang nakatakda sa Article 2 ng verified complaint.

“She will also testify on the SALN,” ayon kay Cuevas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply