Mister dedo, mag-iina kritikal sa rumaragasang ilog

PATAY ang isang ama habang nasa kritikal na kalagayan ang mag-iina nito matapos tangayin ng rumaragasang ilog sa Barangay Hayubo, Lambunao, Iloilo noong Linggo (Marso 25).

Kinilala ang namatay na si Ginoong Dalumpines. Patawirin naman ngayon sa ospital ang asawa nito na si Ginang Jenna at mga anak na sina Jenna Rose, 12, at Gerald, 10.

Ayon sa ulat, naghahanap ng makakain na bungang ugat ang mag-anak ngunit habang pabalik sa kanilang tahanan ay mataas na ang tubig sa ilog na dinaraanan bunsod ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Sinukat ng ama ang lalim ng tubig ngunit sa kasamaang palad ay nadulas siya hanggang sa tuluyang tangayin ng malakas na tubig.

Agad namang tumalon si Jenna para sagipin ang asawa pero hindi rin nakayanan ang lakas ng agos ng ilog.

Nang makita ang mga magulang na tinangay ng tubig ay tumalon din sina Jenna Rose at Gerald upang iligtas ang kanilang mga magulang subalit sila rin ay inanod ng tubig.

Suwereteng napadpad sa gilid ng ilog si Gng. Dalumpines kasama ang dalawang anak hanggang sa tuluyang makaahon sa tubig at makauwi ng bahay.

Kahapon (Marso 26) lang nadala sa ospital ang mag-iina habang ang katawan naman ng yumaong mister ay maghahatinggabi na kagabi nang matagpuan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply