Mister sugatan sa sunog sa Quezon City

ISANG mister ang nasugatan sa sunog na naganap sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kagabi, Marso 17.

Sa ulat ng QCPD, dakong 10:20 ng kagabi nang tupukin ng apoy ang isang bahay sa Don Carlos Street, Brgy. Holy Spirit, QC.

Nasugatan sa sunog si Rudy Tabirao, may-ari ng bahay, na nagtamo ng pinsala sa katawan habang pinipilit isalba ang kanilang mga gamit.

Umabot ang sunog sa mahigit 1 oras at ganap na na-fire out dakong 11:30 ng gabi.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa likod ng bahay ng pamilya Tabirao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply