Miyembro ng Sumalinog Drug group timbog sa PDEA

SUNOD-SUNOD nang nahuhulog sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga miyembro ng Sumalinog Drug group matapos na makahuli sila ng isang pang miyembro ng grupo sa inilunsad na buy-bust operation sa Bulan, Sorsogon kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nahuling suspek na si Ruel Servando, alias Kirat, 41, estibador ng pantalan, ng Zone 4, Barangay Bulan, Sorsogon at miyembro ng nabanggit na grupo na kumikilos sa Sorsogon.

Si Servando ay nadakip ng mga tauhan ni Director Archie Grande ng PDEA Regional Office 5 habang nagbebenta ng shabu sa isang poseur buyer sa isinagawang buy-bust sa C. Gutladera Street, Purok Lukban, Zone 2, Bulan, Sorsogon.

Matatandaan na noong Setyembre 19, 2011, nadakip din ng mga alagad ng PDEA RO5 ang isa pang miyembro ng grupo na kinilalang si Lemuel Gayoso, alias Limpot, kasama rin sa watch-list ng drug personality, sa isinagawa ring buy-bust operation sa Barangay Bulan, Zambales.

Sa taong 2011, umabot na sa 227 na drug groups sa bansa ang nalansag ng PDEA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply