MMDA Chairman Tolentino inireklamo sa Makati

NAHAHARAP sa reklamo si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino makaraang paluin ang isang baranay tanod sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.

Nauna rito, nagkaroon ng tensyon sa naturang lugar nang ipatupad ng MMDA ang bagong panuntunan sa batas trapiko sa bahagi ng lungsod ng Makati.

Sa naturang plano, ipinasara ni Chairman Tolentino ang bahagi ng Burgos Street palabas ng EDSA pasado alas-5:00 ng madaling araw kahapon (Marso 13).

Sa halip na maging maayos ang daloy ng trapiko, nabuo ang tensyon sa naturang lugar.

Nakita pa sa CCTV ang paglapit ni Tolentiono at pag-agaw ng batuta sa barangay tanod ng Guadalupe Nuevo na si Ramon Palma.

Pinalibutan din ng mga tauhan ng MMDA ang naturang barangay official.

Malipas ang ilang sandali, pinalo ni Tolentino ang barangay tanod sa hita.

Kinuwestiyon ni Palma ang pamamalo sa kanya ni Tolentino dahil wala naman umano siyang karahasang ginagawa.

Samantala, mariing pinabulaan ni Tolentino ang akusasyon ni Palma na pinalo niya ito,

Ipinaliwanag ni Tolentino na may nakita siyang nakabukol sa kaliwang bulsa ni Palma kaya bilang normal na reaksyon, tinapik-tapik niya ang bulsa nito na inakalang pinapapalo ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply