MMDA enforcers naka-summer outfit na bukas

SIMULA bukas ay makikita na sa kahabaan ng EDSA ang mga traffic constable ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pawang nakasuot ng Type C uniform o short pants bilang panlaban sa matinding init ng panahon.

Ayon kay MMDA Assistant Manager for Operation Atty. Emerson Carlos, kabilang sa mga magsusuot ng Type C uniform ang mga miyembro ng Task Force Takip-Silim na sa gabi nagsasaayos ng trapiko at regular na traffic constables na nakatalaga naman tuwing umaga sa kahabaan ng EDSA.

Sinabi ni Carlos na dahil sa patindi nang patindi ang init ng panahon, kinakailangan ng mga traffic constrable na maging maginhawa kahit bahagya sa katawan ang kanilang kasuotan upang maisagawa nang maayos ang kanilang tungkulin.

Tatagal ng hanggang Mayo 27 ang pagsusuot ng Type C uniform ng traffic constables dahil sa ganitong petsa na umano inaasahan ang maagang pagpasok ng tag-ulan dahil na rin sa La Niña na sinasabi ng PAGASA.

Kumpiyansa naman si Carlos na kahit nakasuot ng short pants ang kanilang mga traffic constable, igagalang pa rin sila ng mga motorista dahil kumpleto naman ang pang-itaas nilang uniporme na may nakalagay na nameplate.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply