MMDA suko agad sa single ticketing system

MISTULANG sumuko na si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa pagnanais na magkaroon ng pare-parehong halaga ng multa sa lahat ng lungsod sa Kamaynilaan sa ilalim ng ipinatutupad na single ticketing system.

Sa kanyang pahayag sa paglulunsad kanina ng Metro manila Green Print 2003 sa EDSA Shangrila Hotel sa Mandaluyong City, sinabi ni Tolentino na mahihirapan silang makumbinsi ang 17-opisyal ng lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa para sa pare-parehong halaga ng multa sa mga mahuhuling lalabag sa batas trapiko.

“Merong areas sa Metropolis na may uniform fines pero may mga lugar na hindi pare-pareho talaga dahil mataas ang antas ng kanilang gastusin,” pahayag ni Tolentino.

Inihalimbawa niya ang Makati City na nagpapataw ng mas mataas na multa sa mga nahuhuling tsuper na lalabag sa batas trapiko lalo na at may karapatan sila rito kung ikokonsiderang nasa lungsod nila ang Central Business District.

Ipinaliwanag ni Tolentino na higit na malaking abala sa pagnenegosyo sa lungsod ang nagagawa ng motoristang lalabag sa batas trapiko kumpara sa ibang lungsod tulad ng Malabon city kaya  nagpapataw sila ng mas mataas na multa upang maging maingat na ang mga tsuper at hindi na sila makaabala pa sa daloy ng trapiko.

Magugunita na matapos na ilunsad ng MMDA ang implementasyon ng single ticketing system noong Marso 1, inihayag ni Tolentino na isasakaturapan naman nila ang ikalawang hakbang kung saan dapat ay magkakaparehong multa ang ipapataw ng 17-lokal na pamahalaan.

Bubuuin din ni Tolentino ang technical working group na babalangkas sa mga pamamaraan na kanilang isusumite sa konseho ng bawat lungsod upang mapagbatayan sa pagpapasa ng ordinansa para sa pare-parehong multa.

Maging si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian ay aminado rin na mahirap maipatupad ang naturang sistema dahil may kanya-kanyang lokal na konseho ang bawat lungsod na aapruba rito na may iba’t ibang pananaw kung ano ang tamang halaga na ipapataw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply