Mocha nakipaglaplapan sa bakla!

WE ARE at the dressing room ng Zirkoh along Morato Avenue noong Sabado para sa concert entitled “Unlimited Saya … Havey!” kung saan ilan sa performers ang Mocha Girls at Wonder Gays fresh from their series of show sa Australia. Habang katsikahan namin ang ibang performers ay ‘yun naman ang pagtapos ng Mocha Girls ng kanilang applauded performance.

Maya-maya ay nakita na lang namin si Mocha Uson na nakipaglaplapan sa isang bading at nagulat kami, mismo sa gitna ng mga performer sa loob ng dressing room ay walang pakundangan ang kanilang paglalaplapan.

Grabe ang ‘true-to-life’ na eksenang ‘yun and to cut the story short, may nag-dare pala kay Mocha na halikan niya ang guwapong bading na nagngangalang Blue Mendoza ng Wonder Gays na nasa isang corner nakatayo. Naguwapuhan siguro si Mocha dahil maliban sa guwapo ang bading ay matangkad ito at talagang machong bading.

Hayun na, agad nilapitan ni Mocha si Blue at nagsimula na ang kanilang laplapan to the max. “Grabe! Kadiri!” Chorused the rest of the Wonder Gays. Iba-ibang reaksyon mula sa kanila na almost lahat sila ay nagsabing hindi nila masikmurang makipaghalikan sa girl.

Ayon naman kay Blue, nasarapan siya sa pakipaghalikan kay Mocha dahil malambot ang labi nito. “Si Mocha ‘yan no! Sikat at maganda, bakit ako tatanggi eh, ang sexy-sexy ‘ata niya!”

“Eeeeowwww!” sabay-sabay na sigaw ng Wonder Gays.

On the serious side, medyo worried si Mocha sa mga reaksyon ng tao dahil sa pasuot nila ng custome na may naka-disenyong-bandila ng Pilipinas na ang sabi, binastos nila ang sagisag ng Pilipinas.

“Ang intensyon lamang po namin doon ay maging proud bilang Pilipina. Iba nga, ‘yung mga ibang bansa, gan’un ang ginagawa nila eh. Iniwawagayway nila ang kani-kanilang bandila. It’s a sign of patriotism o pagiging proud lang. Wala kaming intensyon, hindi namin binabastos talaga.”

Ikinagulat nito nang ipaabot namin sa kanya na may ilang sector ng lipunan na magpapanukala na ipakulong sila para wala nang susunod at pamarisan ng iba.

“Sino po ang mga ‘yun? Huwag naman po sanang gan’un. Kung sasabihin nila tulad ng MHI na alisin ‘yun sa part ng video namin eh, mas maganda kung panoorin muna nila. Kung makikita nila na bastos nga in a way, di tatanggalin namin, susunod po kami sa batas. Pero panoorin muna nila kasi wala po kaming ginawang masama roon. Abangan na lang po nila, lalabas na po ang video next week sa www.mocha.com.ph.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply