Motocross rider utas sa race tracks sa CamSur

PATAY ang isang motocross rider habang nag-eensayo sa motocross race tracks sa CamSur Watersports Complex (CWC) iniulat ng pulisya ngayon.

Kinilala ang biktima na si Arnel Faira, 43, ng Baao Camarines Sur.

Nabatid na basta na lamang bumitiw sa minamanehong motor ang biktima at nagsuka ng dugo.

Hinala ng pulisya na nabiktima ng heat stroke ang rider dahil wala namang nakitang physical injuries sa kanyang katawan matapos ang insidente.

Gayunpaman, iniimbestigahan pa rin ng awtoridad ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply