Motor shows

SUMMER na talaga dahil napakainit na naman ng panahon bagamat may minsanang pag-ulan. Kaya naman puno na ng mga tao ngayon sa mga mall at sinehan upang makapagpalamig ng hindi tumataas ang kuryente sa kanilang mga tahanan. At habang mainit ang panahon at nakabakasyon ang mga estudyante ay may alternatibong pasyalan tayong puwedeng puntahan ngayon at sa susunod na mga araw.

Una ay ang Hot Import Nights Manila na ginaganap sa World Trade Center sa Pasay City hanggang bukas (Marso 25) na lamang. Ito’y nagsimula ngayon. Ang Hot Import Nights ay tinaguriang “Hottest Car Show sa Estados Unidos” at ito ang unang pagkakataong maidaos ito sa Maynila. Makikita dito ang Fil-Am UFC round girl na si Arianny Celeste at ang Japanese lady drifter na si Hiromi Kajikuma. P50 lang po ang entrace fee dito. Habol na!

Sa Marso 29 hanggang Abril 1 ay ang 8th Manila International Auto Show sa World Trade Center din. Dito makikita ang pinakabagong modelo at produkto ng iba’t ibang car manufacturer tulad ng Toyota, Hyundai, Ford, at marami pa. Ang MIAS ay nakipatulungan din sa BPI Auto Loans muli para sa madaliang pag-apruba ng loan at pagbili ng sasakyan ng mga pupunta doon. Ang entrance fee dito ay P100. At sa mga bibili ng bagong sasakyan ay may raffle coupon kayong makukuha na ang premyo ay TRIP TO MACAU FOR 2 at ALL EXPENSES PAID.  Mapapanood din dito ang stunt at precision driving expert na si Russ Swift mula pa sa bansang Britanya na parte na ng MIAS mula noong 2008 pa.

At sa mga mahilig naman sa dalawang gulong ay mayroong Inside Racing Bike Festival & Trade Show na gaganapin sa SMX Convention Center mula Marso 31 hanggang Abril 1. Dito ay hindi lang mga bagong motorsiklo ang makikita ninyo kundi pati na rin sari-saring produkto tulad ng langis, piyesa, body armors, helmets, at lahat ng safety gears na kailangan ng isang rider.

Sa lahat ng shows na ito ay hindi kayo uuwi ng walang hawak. Bukod sa mga special introductory price ay maraming give-aways ang mga exhibitor na kasali dito kaya huwag na manghinayang sa entrance fee.

*****

Bukas ng umaga ay patulak ang inyong lingkod sa Bangkok, Thailand para sa ASEAN launch ng bagong Ford Focus at para pumunta na rin sa 33rd Bangkok International Motor Show.

Sa pangalawang pagkakataon ay pinalad tayong maimbitahan muli ng Ford Group Philippines sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Randy Krieger at AVP-Communications Anika Salceda-Wycoco.

Maraming salamat sa inyo!

***

Happy Birthday kay Matteo Fernan Guidicelli! Ang aktor na aking nakasama sa karera ng go-kart noong siya’y 11-anyos pa lamang ay magdiriwang ng kanyang 22nd birthday sa Lunes (Marso 26).

***

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810 AM. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operators nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006.

Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply