Motorcycle lane pa sa EDSA hiniling

HINILING ng isang grupo ng motorcycle manufacturers sa Metropolitan Manila Development Authority na maglagay ng karagdang motorcycle lane sa EDSA.

Ayon sa Motorcycle Development Program Participants Association, nagpadala na sila ng sulat-kahilingan kay MMDA Chairman Francis Tolentino nitong nakaraang  Pebrero 27 dahil mapanganib para sa motorcycle riders ang nag-iisang motorcycle lane sa EDSA

Ipinaliwang ng grupo na ang linya para sa motorsiklo ay ginagamit din ng mga pribado at pambulikong sasakyan kaya kinakailang umiwas sila sa kabilang linya lalo na sa panahon ng rush hour.

Iginiit pa ng grupo na lalo lamang nagpapabagal at hindi nila malagpasan ang usad-pagong na four-wheeled vehicle na nagiging dahilan para matukso silang mag-overtake sa binubuntutang saskyan na mapanganib para sa kanila.

Matatandaan, nitong nakaraang buwan, hiniling din sa MMDA ng Motorcycle Philippines Federation (MPF), isa sa pinakamalaking malaking pederasyon ng motorcyclists, na maglagay ng extra lane sa EDSA para sa nagmomotorsiklo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply