Movement 188 kay Corona: Humarap ka

HINAMON ngayon ng Movement 188 sa Kamara si Chief Justice Renato Corona na humarap na sa impeachment court kung nais niyang linisin ang kanyang pangalan at pabulaanan ang lahat ng alegasyon laban sa kanya.

Ayon sa isang pahayag, wala ng nakikitang dahilan pa ang movement 188, grupo ng mga kongresistang pumirma sa impeachment complaint, para hindi tumestigo si Corona sa impeachment case nito.

Hindi na umano maaari pang magdahilan at umatras ang punong mahistrado matapos na tanggapin ng Senate impeachment court ang mga ebidensya gaya ng statement of assets and liabilities ang net worth (SALN) at bank documents mula sa Philippine Savings Bank (PSB) at Bank of the Philippine Islands (BPI).

Samantala, inamin ni lead prosecutor Niel Tupas Jr. na bagama’t naaaninag ang tagumpay ay marami pa rin aniyang kakaharaping balakid ang prosekusyon lalo pa’t pasisimulan pa lamang ng kampo ni Corona ang depensa.

Ngunit maituturing na aniyang welcome development ang desisyon ng Senate impeachment court na ibasura ang motion to supress evidence ng defense team.

Kung meron mang abot kamay na, sinabi ni Tupas na ito ay ang pagkamit ng kanilang objective na mahanap ang katotohanan at public accountability.

Sa ngayon aniya, todo prepara ang prosekusyon at napagkasunduan ng kanilang mga miyembro na pag-aralang mabuti “bilang grupo” ang articles 2, 3 at 7 na umano’y pinakamalalakas na kaso laban sa punong mahistrado.

Natuwa rin si Tupas sa hindi pagpataw ng parusa ng mga senador kay private prosecutor Vitaliano Aguirre, at sa halip ay pagsasabihan na lamang ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply