MRT nagkaaberya: daan-daang pasahero stranded

STRANDED ang may daan-daang pasahero makaraang muling magkaaberya ang Metro Rail Transit (MRT) kaninang umaga, Marso 21.

Ayon kay MRT Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, nasira ang switch track bago mag-alas-5:00 ng umaga kaya’t hindi mai-akyat ang mga tren sa depot nito malapit sa Trinoma Mall, sa harap ng EDSA North Avenue station.

Dahil dito, 11 tren lamang ang nakabiyahe dahil ito pa lamang ang naikyat makaraang masira ang switch lock.

Pasado alas-7:23 ng umaga nang maiakyat na ang lahat ng 20 tren, gamit ang panibagong switch lock na ginagamit ng MRT sa ibang serbisyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply