Mukha ng AMA student burado sa asido ng lover

HALOS mabura ang mukha ng 26-anyos na Information Technology student ng AMA Computer University nang sabuyan ng asido sa mukha ng hindi pa nakilalang lalaki sa Parañaque City kahapon, iniulat ngayon ng pulisya.

Kaagad na isinugod sa Olivarez Hospital si Merchesadek Banayo, nanunuluyan sa 8727 San Pedro St., San Antonio Valley 2, Bgy. San Isidro, sanhi ng mga tinamong pasa sa mukha, braso at hita dulot ng isinaboy na asido ng salarin.

Dinakip naman ng pulisya sina Camilo Salvater, 32, ng Mabalacat, Pampanga at Samuel Yncierto, 34, ng Sta Maria, Angeles City na hinihinalang may kinalaman sa pagsasaboy ng asido sa biktima matapos ipasa sa kanila ng suspek ang bitbit na bag habang hinahabol ng ilang kalalakihang hiningan ng saklolo ng biktima.

Sa imbestigasyon, kumatok umano ang suspek sa pinto ng silid na tinutuluyan ni Banayo dakong ala-1:30 ng hapon at nagpakilalang kawani ng LBC subalit nang pagbuksan ng biktima ay bigla na lamang siyang sinabuyan ng asido sa mukha.

Sa kabila ng tinamong pinsala, hinabol ng biktima ang suspek habang humihingi ng tulong sa kalalakihan sa naturang lugar na nakihabol na rin sa tumatakas na lalaki hanggang ipasa nito ang bitbit na bag kina Salvater at Yncierto na noon ay nakasakay sa nakaparadang kotse ang dalang bag.

Napag-alaman sa imbestigasyon na may relasyon sina Salvater at ang biktima subalit hindi binanggit sa imbestigasyon kung sino sa kanilang dalawa ang bading.

Ikinaila naman ni Salvater sa pulisya na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng biktima at itinanggi rin na siya ang nag-utos sa suspek na sabuyan ng asido sa mukha si Banayo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply