Mukha ng kabit ni misis sabog sa shotgun

SABOG ang mukha ng 18-anyos na binata matapos barilin ng shotgun ng nagseselos na mister sa Cagayan de Oro sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Sa report, lumalabas na ‘love triangle’ ang motibo sa pagpaslang kay Reyden Tumapon, ng Batinay Barangay Tagpangi, Cagayan de Oro.

Agad namang naaresto ang suspek na si Jun-Jun Linsagan, ng Barangay Dansolihon.

Napag-alaman na natutulog sa loob ng kanilang bahay ang biktima nang biglang barilin ng suspek gamit ang shotgun.

Nagtamo ang biktima ng sugat sa baba na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, selos ang motibo sa kaso dahil palagi umanong nakikita sa bahay ng biktima ang misis ng suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply