Multa sa kolorum itataas ng LTFRB

ITATAAS ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa halagang P10,000 ang multa sa mga mahuhuling colorum vehicles sa bansa.

Ito ang sinabi ni Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB, sa isang panayam. Aniya, ang hakbang ay bahagi ng kampanya ng ahensya na mawalis ang mga kolorum na sasakyang pampasahero sa mga lansangan.

Sa ngayon ay umaabot na sa P6,000 ang multa kapag nahuli ang isang colorum na sasakyan.

Binigyang-diin ni Iway na oras na maitaas ang multa laban sa mga colorum vehicles ay mangingimi na ang mga itong mamasada.

Aniya sa ngayon, may 11,478 units ng bus ang may linya na pumapasok at lumalabas sa National Capital Region (NCR) at umaabot naman sa 49,000 ang bilang ng mga may linyang taxi at 27,000 dito ay nasa Metro Manila.

Inanunsiyo din ni Iway na sa pagpasok ng buwan ng Abril ng taong ito ay magagamit na ng ahensya ang may 10 ektaryang impounding area ng LTFRB sa Taytay, Rizal.

Libre o walang upa na babayaran umano ang LTFRB sa lugar, samantalang magbabayad ng P300 isang araw ang may-ari ng pampasaherong sasakyan na mai-impound doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply