Municipal employee binoga sa Masbate, patay

BINARIL at nasawi ang isang municipal employee ng anim na kalalakihan na nakasakay sa motorsiklo sa Masbate.

Nakilala ang biktima na si Rodil Villarin na binaril sa Brgy. Villa-Inocencio bandang alas-8:20 a.m., kahapon ng umaga.

Base pa sa inisyal na report, bumibili ng pagkain para sa kanyang almusal ang biktima nang harangin ng mga suspek sabay pinaputukan si Villarin.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply