Municipal officer sa Masbate nilikida

DEAD on the spot ang isang municipal officer sa Masbate matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek kaninang umaga, ayon sa ulat ng pulisya.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang sa biktimang si Rodel Villarin dakong alas-8:20 ng umaga sa Barangay Inocenecio sa bayan ng Placer ng lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, bibili lang sana ng almusal ang biktima nang harangin ng anim na lalaki na pawang sakay ng motorsiklo.

Nang madikitan ng mga suspek si Villarin ay agad itong pinaputukan ng ilang ulit.

Patay ang biktima sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Puspusan ang imbestigasyon ng Placer PNP para matukoy ang mga salarin at alamin ang tunay na motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply