Muntinlupa police pinagpapaliwanag sa South Supermarket robbery

MARIING pinagpapaliwanag ngayon ng pamunuan ng Southern Police Distric ang hepe ng Muntinlupa City Police na si Senior Superintendent Ramiro Bausa kaugnay sa nagnap na nakawan sa South Supermarket.

Ayon kay SPDO Officer In Charge (OIC) George Regis, nagtataka umano siya kung bakit hindi agad naiparating sa kanilang tanggapan ang naganap na nakawan sa loob ng isang kilalang supermarket sa Alabang Town Center sa lungsod ng Muntinlupa kahapon (Marso 12).

Ayon kay Senior Supt. Federico Caso, deputy Director for operation ng SPD hindi umano sila inimpormahan sa naganap na insidente at nalaman na lamang nila na may nangyaring nakawan sa kanyang nasasakupan nang mag-usisa ang media.

Sinabi ng opisyal na malinaw na may nilabag na protocol itong si Bausa dahil hanggang ngayon ay hilaw pa ang report nito na ipinarating sa pamunuan kaya hindi rin nila mailahad ang buong pangyayari sa mga nagtatanong na mamamahayag.

Kahapon ng umaga, nadiskubre ang panloloob sa South Supermarket nang makita ang butas na dinaanang tunnel na may layong na 100 metro mula sa establisimiyento.

Bukod sa hindi pa batid na halaga ng salaping nakuha sa vault, natangay din ang kaliber .38 revolver sa lood ng nabanggit na establisimiyento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply