MWSS pinagpapaliwanag sa planong pagtataas sa singil ng tubig

HINARANG ng isang kongresista ang pagdinig-publiko para sa panukalang dagdag na singil sa tubig.

Ito ay matapos makarating sa kaalaman ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na kasalukuyang nagsasagawa ng  public hearing para sa panukala ng pagtaas ng water rates.

Kasabay nito ay pinagpapaliwanag ni Herrera-Dy ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) dahil sa pasekretong pagsasagawa ng pagdinig sa pagtaas ng singil sa tubig at hindi na ito ipinaalam sa publiko.

Tutol din ang mambabatas sa naturang plano dahil sa kawalan ng sapat na konsultasyon sa tao.

Iginiit pa ng lady solon na ang nakarating na ulat sa kanya na kakaunti lamang ang nakadalo sa public hearing noong nakaraang linggo sa San Juan at Rizal dahil sa problema sa kakulangan ng pagpapakalat ng impormasyon sa mga schedule ng pagdinig.

Dahil dito nanawagan si Herrera-Dy na lawakan pa ng MWSS-RO ang kanilang information dissemination campaign para maimbitahan ang publiko dahil mahalaga ang kanilang parte at para maiwasan na rin ang duda ng taumbayan. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply