MWSS Regulatory Office pinabubuwag

NANANAWAGAN ang isang kongresista na buwagin na ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) – Regulatory Office (RO) at isinulong ang pagtatatag ng sariling Water Regulatory Commission (WRC).

Ayon kay Marikina Rep. Marcelino Teodoro, matatandaan na mula ng ma-privatized ang operasyon ng MWSS at ibinigay sa dalawang nanalong concessionaires, nanatiling pag-aari ng MWSS ang fixed assets at isang regulatory office sa ilalim ng kanilang pamamahala para tutukan ang annual rate adjustments.

“Ang singil sa tubig ng dalawang kasalukuyang water concessionaires ay nanatiling hanggang 1997, bagamat walang kasanayan ang MWSS-RO na ipatupad ang mandato,” sabi ni Teodoro, na naghain ng House Bill 5790 na magbubuwag sa MWSS-RO.

May mandato ang MWSS-RO na kwentahin ang rate re-basing adjustments kada limang taon para payagan ang concessionaires na makaahon sa loob ng 25 taon na nakasaad sa kanilang kasunduan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply