29 seamen sa Egypt makakauwi na bukas

UUWI na bukas, Marso 9 ang 29 sa 32 Pinoy seamen matapos ang limang buwang pagkaka-stranded sa isang daungan sa Egypt.

Ito ang kinumpirma ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante Middle East (MME) matapos silang abisuhan ng Sekur Manning Inc. na uuwi na bukas, sakay ng Qatar Airways flight 515 mula Cairo hanggang Doha at flight 646 mula Doha patungong Manila ang mga naipit na Pinoy seamen sa Demiettaport, Egypt.

Una rito ay humingi ng tulong ang isa sa mga seaman sa grupong Migrante kaugnay sa pagkakasadlak nila sa naturang pantalan nang hindi man lamang pinagkakalooban ng kaukulang sahod at benepisyo kaya wala silang maipadalang sustento sa kanilang pamilya.

Kaagad na lumiham ang grupong Migrante sa Sekur Manning Inc. na lokal na ahensiya ng mga seaman at inihayag ang problema ng mga Pinoy seafarer na karamihan ay tapos na ang kontrata subalit hindi pinapayagan ng punong tanggapan na pauwiin sa Pilipinas.

Ipinabatid din ng Migrante sa Philippine Overseas Employment Adminsitration (POEA) ang masaklap na sinapit ng Pinoy seamen kaya sinuspinde kaagad ni Atty. Carlos Cao na noon ay siya pang administrador ng ahensiya ang lisensiya ng Sekur Manning Inc.

Dahil dito, kaagad na inasikaso ng ahensiya ang problema ng Pinoy seamen na naging dahilan upang mapauwi na sa bansa ang 29 habang minabuti ng tatlo pa nilang kasamahan na tapusin muna ang kontrata bago umuwi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply