Naaagnas na paslit lumutang sa dagat

NAAAGNAS na nang matagpuan ang bangkay ng isang paslit na lalaki na palutang-lutang sa baybaying dagat sa Delpan Wharf, Binondo, Maynila kaninang umaga (Marso 28).

Inilarawan ang bata na nasa edad dalawa hanggang tatlong taong gulang, nakasuot ng kulay asul na sandong may tatak na Sesame Street at fatigue na short.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:10 kaninang umaga nang madiskubre ng Delpan Coast Guard Detachment ang bata sa nasabing lugar.

Agad iniahon ng Coast Guard Special Operations Group (CGSOG) ang bangkay ng bata sa tubig.

Walang anumang sugat na nakita sa katawan ng biktima, kaya hinala ng pulisya na napabayaang naglalaro ang bata kaya nalunod.

Dinala na sa St.Yvan Funeral Homes ang bangkay para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply