Naagnas na bangkay lumutang sa dagat

ISANG hindi pa nakikilalang naagnas na bangkay na hininalang biktima ng salvage ang natagpuang nakalutang sa tabing-dagat sa Tuazon Street, Brgy. San Jose, Navotas City kaninang umaga.

Ang biktima ay makikilala lamang sa kanyang mga tattoo na “Escanio Tyron” sa kanang braso, “Siopao Mickael” sa kaliwang braso at “Emma” sa kanang dibdib. Tinatayang nasa edad na 35-40 anyos ang biktima at may katamtamang pangangatawan.

Ayon sa imbestiagasyon ni Sp01 Resty Castillo ng SID ng Navotas Police, dakong alas-7:00 kaninang umaga ng matagpuang nakalutang ang naagnas na bangkay ng biktima sa nasabing lugar.

Ang nasabing biktima ay may isang tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kanang bahagi ng ulo at maaring pinatay sa ibang lugar bago itinapon sa nasabing karagatan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing kaso, habang ang bangkay ay  kasalukuyang nasa pag iingat ng Marcelo Funeral home sa nasabing lungsod. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply