Nabubulid sa putik

NAG-AALALA ang isang kasapi ng maimpluwensiyang relihiyon sa bansa kaugnay sa dalawang opisyal ng Quezon City Police District na madalas na nakangatngat sa tainga ng bagong district director na si Chief Supt. Mario dela Vega.

Ayon sa kasapi, pare-pareho naman sila ng kinaaanibang relihiyon kaya lang ay nag-aalala siya na baka madala ng dalawang opisyal na ito sa kanilang mga boka ang kanilang hepe. (Walang dapat ipag-alala dahil marunong mag-analisa o bumasa ng karakter si Gen.)

Madalas daw ang dalawang opisyal na ito na magtungo sa tanggapan ni Gen Dela Vega upang magpalakas nang sa gayon ay makuha nila ang inaasam na juicy position sa Camp Karingal.

Sa pagnanais ng dalawang opisyal na ito na maging malakas sa director ng QCPD, nabubulid na ang mga ito sa putik ng kasalanan, ayon sa kasapi. Teka, paanong nabubulid sa putik ng kasalanan?

Ipinaliwanag ng nag-aalalang kasapi na nabubulid ang dalawang opisyal sa putik ng kasalanan sa paraang gumagawa sila ng labag sa kagandahang asal subalit hindi na niya pinahaba pa ang kahulugan subalit ipinahihiwatig na tila nais ng  dalawang opisyal na sila ang humawak ng “tangga (kaban ng yaman).” Sa madaling salita, ayaw ng kasapi na may matapakang tao ang mga ito dahil lang sa ka-nilang ambisyon.

Kaya nga, nais ng kasapi na mailigtas ang mga ito mula sa dagat-dagatang apoy na kanilang kasasadlakan kapag nabulid sila sa putik ng kasalanan.

Aniya, dapat daw asikasuhin ng dalawang opisyal na ito ang takbo ng kanilang istasyon sa halip na pagnanais na makuha ang mas makatas na puwesto upang hindi naman sila makakuha sa unit performance award ng “Kalabasa.”

Kapag nagpatuloy nga naman ang dalawang opisyal na ito sa pagpapabaya sa kanilang responsibilidad sa istasyon ay tiyak na hindi na kalabasa award ang kanilang makukuha kung hindi “Kamote award.”

Hindi kurot ang ibibigay ng inyong lingkod sa isang operatiba ng Metro Manila Development Authority na miyembro ng SOG-MCU na mag-isang nagbabantay sa Edsa tapat ng Nepa-Q Mart.

Saludo po ako sa inyo dahil bagaman solo at gabing gabi na ay ginagawa mo pa ang trabaho mong pagbugaw ng mga bus at iba pang sasakyan na nagsa-sakay at nagbababa ng pasahero sa lugar na nagiging sanhi ng mabagal na daloy ng trapiko.

Saludo rin po ang inyong lingkod sa mga nagbabantay sa tanggapan Barangay 167 Llano, Caloocan City sa ilalim ng Punong Barangay na si Romeo “Miyong” Matias.

Walang alinlangan na tumutulong kaagad sina desk officer Aries Curitao, Perla Discaya at Emilio Antonio kapag may tumawag sa kanilang tanggapan upang makigamit ng kanilang ambulance.

Walang tanong-tanong, basta hatid agad. Sa madaling salita, walang pinipili sa kanilang tinutulungan.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11-@y ahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply