Nabubuntis na teenagers parami nang parami

IKINABAHALA na ng Commission on Population (PopCom) ang tumataas na porsiyento ng mga mag-aaral na teenager na nabubuntis batay sa kanilang isinagawang pag-aaral, partikular sa lalawigan ng Cagayan.

Lumalabas sa pag-aaral ng PopCom sa Young Adults Fertility and Sexuality Service na kadalasang nagkakaroon ng pre-marital sex ang mga kabataan sa edad na 12 hanggang 14.

Nauso na raw kasi ang casual sex sa graduating high school students kung saan tila ginagawang regalo na lamang ng kababaihan ang makipag-sex sa kani-kanilang boyfriend o kaibigan habang papalapit na ang kanilang pagtatapos.

Pangalawa na lamang anila ang curiosity sa nakikitang dahilan ng PopCom kung bakit marami ang nabubuntis sa murang edad.

Dahil dito, agad nang nakiisa ang PopCom sa Parents Teachers Associations at student leaders sa iba’t ibang eskwelahan sa Cagayan para ipaunawa sa mga kabataan ang masamang dulot ng pre-marital sex. Remate Online

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply