Nagkaayos na sina Anne Curtis at Lea Salonga

NAGKAAYOS na raw sina Anne Curtis at ang ating singing icon, Ms. Lea Salonga, sa pamamagitan ng text message na ipinadala ng huli sa aktres. Ang laman daw ng mensahe ni Lea, na ipinadala nito noong birthday ng aktres  na ginanap sa programang It’s Showtime, aniya, “she greeted me happy birthday. Second, sabi niya I’m so sorry, I know I would never say anything that would offend you,” pahayag ni Anne sa amin last Thursday sa latest endorsement niyang Cherry Mobile with a Kiss.

Flattered ang aktres-host dahil never naman daw itong na-offend sa ilang detractors na nagsasabing she’s not a singer and yet, nakapag-draw siya ng crowd sa Araneta Coliseum. “Hindi ako nao-offend. kasi, hindi naman talaga ako singer,’di ba?” sabay tawa ng aming kausap.

Kahit sino, kahit na hindi si Lea Salonga ang magpapasaring na hindi siya singer, wala raw ito sa kaniya. Never daw siyang mapipikon if ever, “HIndi talaga. Bakit ako mapipikon e, hindi naman talaga ako singer?”

Natutuwa raw siya na kahit hindi siya singer, may mga bigatin tayong singers na gustong makipag-duet sa kanya like Martin Nievera. “Martin surprised me no’ng birthday ko. Oh, my God, pinakanta ako nang pagkataas-taas na You Are My Song. Hindi ako prepared,” sunod-sunod pa nitong tawa.

“Sabi ko nga, thanks for giving me the chance (na makipag-duet), alam mo yon? That’s why I’m so happy kasi  these singers, knowing that am not a singer, are game to sing with me.”

Kung sakaling makaka-duet niya si Lea? “Kakanta kami ng Reflections,” may halong birong sabi ni Anne.

—@@@—

MUKHANG ang seryeng Dahil sa Pag-ibig, ang kakabog sa nauna nang soap, ang Walang Hanggan, na consistent top-ratings sa Kapamilya Primetime Bida. Sabi ng aming source, double-digit lagi ang seryeng pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Maricar Reyes at Cristine Reyes.

Isang malaking plus factor ang nakakikilig na pagmamahalan ng teen-ager na Piolo at Cristine ng mga bagong stars na sina Francis Magundayao at Ella Cruz.

Sayang nga lang at 4 days lang ang nakatakdang episode for both Francis at Ella at mami-miss sila ng mga tagahangang labis na sumubaybay sa kanilang hate-love relationships, bagama’t na-establish na sila’y magkakapatid sa serye.

Anyway, si Cristine na nga ang adult Jasmin, ang sentro ng atraksiyon nina Piolo at Echo sa serye.

When Cristine was asked sa recent press visit sa Dahil sa Pag-ibig, she mentioned na hindi imposibleng ma-in love ito kay Piolo. Nakakikilig daw ang pagiging tahimik at manly nito everytime na sila’y may teyping in and out Metro Manila.

“Andami kong natututunan kay Piolo, very God-fearing, parang ang feeling ko kung nakatrabaho ko siya noon pa, siya na siguro, di ba?” seryosong sabi ni Cristine sa amin.

“Kasi, parang nasa kanya na ang lahat-lahat, parang perfect siya na tao. Parang gusto ko siyang alug-alogin at sabihing totoo ka bang tao? Pero, ‘di ko masabi sa kanya nang harap-harapan,” ani Cristine.

Ikinumpara namin sina Piolo sa kanyang bf na si Rayver Cruz, kung ano ang something common sa dalawa?

“Extremes sila, walang one thing in common,” sey ng aktres.

—@@@—

NAKAHINGA na rin nang maluwag ang pamunuan ng Philippine Movie Press Club dahil sa tagumpay ng nakaraang 28th Star Awards for Movies na ginanap sa Meralco Theater last March 14.

Walang kumwestyon sa pagta-tie nina Gov. ER Ejercito at Aga Muhlach for Best Actor. Si Gov. ER sa makatotohanan nitong pagganap bilang si Asiong Salonga sa Manila Kingpin: Asiong Salonga Story, while si Aga ay sa “In The Name of Love,” bilang D.I na super-in love kay Angel na may dayalog na “Pinili kong mamatay para mabuhay ka.”

Nagkaroon din ng tie sa best supporting actors Jake Cuenca sa In The Name of Love at Baron Geisler sa Manila Kingpin: Asiong Salonga Story.

Darling of the Press si Atty. Persida Acosta dahil sa malaking suporta nito sa PMPC at ang Ulirang Artista naman ay si Eddie Gutierrez.

Maramdamin din ang talumpati ni Marc Abaya nu’ng tanggapin ang award ng kaniyang inang si Direk Marilou Diaz-Abaya bilang parangal sa pagiging respetadong direktor na sumuporta sa industriyang pelikulang Pilipino. Si Direk Marilou ay kasalukuyang nasa banig ng karamdaman dahil sa pagkakasakit nito ng kanser.

Nakatutuwa rin ang acceptance speech ni Jillian Ward na bumigay ng iyak dahil sa natamong award at iniaalay daw niya ito sa manedyer na si Joe Barrameda na mayroong sakit na kanser.

Ang nasabing Star Awards for Movies ay ipalalabas bukas sa Sunday’s Best, ABS-CBN, after “Gandang Gabi, Vice.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply