‘Nagpabayad’ na boxer pinatawad ng WBC

PINATAWAD na ng World Boxing Council si former world champion Tomas “Gusano” Rojas sa pagsiwalat na siya ay tumanggap ng bayad para lamang magpatalo.

Unang sinabi ni Rojas sa isang pahayagan sa Mehiko na noong  2007 ay nagtalo siya kay Jorge Arce kapalit ng halagang $8,000.

Naniniwala naman ang WBC na walang basehan iyon at pinakinggan din ng board of directors ang paliwanag ni Rojas kaya maaari na siyang lumabang muli matapos na i-ban sanctioning body.

Pinayuhan na lamang ng WBC si Rojas na mag-ingat sa kanyang mga pahayag at ayusin na ang kanyang laban at huwag mag-imbento ng kwento na makasisira sa kanilang hanay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply