Nagpakamatay na OFW sa HK bubusisiin ng DFA

INAALAM na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang tunay na kaganapan kaugnay sa napaulat na pagpapatiwakal ng isang Capizeñang overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Embassy sa Hong Kong upang mabatid kung biktima ng pagmamalupit o pang-aabuso ang nabanggit na OFW.

Ang OFW ay kinilalang si Cherry Mae Genova, 31, dalaga at tubong Duran Dumalag, Capiz.

Sa paunang ulat, tumalon umano mula sa ikalimang palapag ng pinaglilingkurang bahay ang OFW sa hindi pa malamang dahilan.

Napag-alaman na noong 2008 ng unang makapagtrabaho sa Hong Kong si Genova at nang makauwi  minabuti nitong mag-direct hire na lamang .

Mag-iisang buwan na rin simula ng mawalan ng komunikasyon si Genova sa kanyang pamilya at walang anumang komunikasyon hinggil sa kalagayan nito sa ibayong dagat.

Sa ngayon ay inaasikaso na ang pag-uwi ng labi nito sa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply