Nagpapa-botox kaya ang mga sikat nating broadcaster para mapanatili ang kanilang kabataan?

NAGPAPA-BOTOX na kaya sina Tina Monson Palma, Mel Tiangco, Mike Enriquez, Noli de Castro, at iba pang newscasters na kaedad nila? Eh si Cheche Lazaro kaya?

Almost surely, between 50 and 65 years old na ang mga nabanggit na news and public affairs  personalities. At bagama’t hindi nanambok sa botox ang mga pisngi at noo nila, di rin naman nangunguluntoy yon sa mga pileges at kulubot. Which means, kundi sila nagpapa-botox, may iba silang ginagawa, o ipinagagawa sa mga mukha nila kaya hindi sila mukhang character sa horror movies tuwing humaharap sila sa kamera.

Eh ang singer-guitarist-businessman kayang si RJ Jacinto, paano inaalagaan ang kanyang mukha?

Actually, mas okey na magpa-botox ang mga newscaster, public affairs program host, at ilang mga singer kesa sa mga artista natin.

Pina-paralyze ng botox ang nerves ng mukha, kaya nawawalan ng ekspresyon ang mukha nila. At di bagay ang ganu’n sa mga artista na ang kakayahang magpakita ng iba’t ibang emosyon ang puhunan sa buhay nila (sa mga tunay na aktor, secondary lang ang mukha at ganda/tikas ng katawan bilang puhunan).

On the other hand, generally ay hindi naman kailangang mag-emote ng mga newscaster natin, pati na ng ilang public affairs host at singer.

Yung mga newscaster, the more poker-faced (walang emosyon sa mukha) they are, the better. Required silang maging objective, non-emotional sa pagbabalita.

Yung public affairs hosts naman, kasama na yung documentary hosts, di rin dapat maging dramatic gaano man ka-dramatic ang mga iniri-report nila.

Ang mga mang-aawit naman ng mga disco tune at iba pang mga pa-cute lang na kanta, di naman nag-i-emote, ngiti lang nang ngiti. So hindi nila kailangang mag-emote.

Eh ano na kaya ang itsura ngayon ng original frontmen ng 80’s New Wave icon na Orchestral Manoeuvers In The Dark (OMD) na sina Andy McCluskey and Paul Humphreys, at ang original band members  na sina Martin Cooper at Malcolm Holmes?

Ang OMD ang nagpasikat ng If You Leave, Secret, So In Love, Dreaming, at Enola Gay. Mapag-aalaman natin kung ano na ang itsura nila at kung magaling pa rin silang mag-perform dahil nakatakda silang mag-show rito sa March 12. At hindi sa kung-saang venue lang sila naka-book mag-concert kundi sa Smart Araneta Coliseum. History of Modern nga pala ang titulo ng concert na inaasahang sasayawan ng fans nang walang patumangga.

Nag-disband din noon ang grupo, pero nagsama-sama sila uli nung 2007 and started touring the world and played successful sold-out concerts.

Since then, they’ve been recording and touring non-stop. Their first US tour in March 2011, which took place 23 years after their last US gig in 1988, was a rousing success thus, they pursued on embarking on this Asian leg. Kari-release lang nila ng 11 studio album nila.

Nagpa-botox kaya sila para magmukhang bata pa? O okey lang sa kanila na mukha na silang matanda?

Of course, uso rin sa ibang bansa ang pagpapa-botox. Kamakailan ay napaulat nga na ang mataray na American Idol host na si Simon Cowell ay di lang nagpapa-botox kundi lumalanghap din ng canned oxygen para mapigil diumano ang pagmumukha n’yang matanda kahit 54 years old na pala siya.

Para pala siyang si Michael Jackson na noon ay napabalitang nagpapa-oxygenate nang ilang oras para mapigil ang pag-iitsura n’yang matanda.

Well, sana ang mga artista huwag magpa-botox para di ma-paralyze ang mga mukha nila! They should learn to age gracefully, ‘ika nga. Tingnan n’yo nga si Meryll Streep. Kung magpapa botox siya, magiging walang kwentang aktres na siya gaya ng matatandang aktres natin ngayon na pinagbibida pa man din ng ABS-CBN sa isang kalokahang soap opera nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply