Nagparamdam ang ex-bf

Hello po, isa po akong lesbian at may gf ako ngayon. Ang problema ko po kasi ay may naging ex akong lalaki.

Hanggang ngayon kasi ay umaasa siya at laging nag-eefort para mapansin ko ulit siya at bumalik ang nararamdaman ko sa kanya. Pero mahal ko po talaga ang gf ko. Tama po bang hindi ko siya pansinin para hindi ma-conscious ang gf ko sa estado namin ng ex ko kung sakaling magpapansinan kami? thanks po. Pls. dont publish my #.

KAREñOSA: Pag ex, dapat tapos na, bakit siya aasa sa’yo gayong alam naman niya ang estado mo ngayon na may gf ka na. Ang maganda mong gawin ay kausapin siya para maliwanagan niya once and for all na hindi na maibabalik ang dating “kayo”. Sabihin mo din sa gf mo, ‘yung kalagayan mo ngayon with your ex para in case na mag-kakasalubong kayo, alam niya rin kung paano niya iha-handle ‘yung sitwasyon. And it also gives her security. Kung alam ng gf mo na wala naman na talaga sa’yo ‘yung ex mo, mas confident siya sa’yo at magga-gain ka pa ng trust from her. i-open mo lang sa kanya, para maliwanagan niya na ‘yung ex mo na lang ‘yung umaasa pero ikaw tapos na.

***

Hi Lotz na lang po ang itawag mo sa akin, may kinakasama ako almost 10 years na silang hiwalay ng asawa niya at 8 years na po kaming nagsasama. May 7 years old na kaming anak. ‘Yung asawa niya po dati kasal na din sa foreigner. Tanong ko lang po kung pwede na ba kaming magpakasal ng kinakasama ko kahit pa hindi pa sila legal na hiwalay?

KAREñOSA: Ms. Lotz, kumunsulta kayo sa abogado, kasi sa pagkakaalam ko, hindi pwede ‘yung ginawa ng asawa niya dati, maaari siyang kasuhan ng bigamy sa ginawa niya. Dapat po muna siguro silang magpa-annul. Para lang lahat dumaan sa legal na paraan. Saka kapag nagpakasal kayo magkakaproblema lang din kayo sa NSO, kasi nasa system nila na kasal siya once na hingin sa inyo ang CENOMAR or Certificate of No Marriage.

oOo

Para sa problemang pag-ibig, i-text ang BT_Name_Problemang Pagibig at isend sa 09183386058

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply