Nagtagong rape suspect, nadakip

HIMAS-REHAS na ngayon ang isang suspek ng panghahalay na tatlong taong nagtago sa batas, matapos madakip ng pulisya sa Torsillo st Dagat Dagatan Caloocan City, kahapon (Marso 14).

Kinilala ang suspek na si Arjay Alejandro y Iman 20, binata at residente ng nabanggit na lugar.

Ganap na 4:00 ng hapon nang dakpin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Raymundo Vallega, ng Caloocan City Regional Trial Courtr Branch 130.

Base sa talaan ng korte, si Arjay ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 matapos nitong halayin  ang 14-anyos na dalagitang kapitbahay noong 2009.

Ginahasa umano ni Arjay ang biktimang hindi pinangalanan sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar

Mula nang sampahan ng kaso ang suspek ay nagtago na ito sa batas.

Kahapon, namataan ng pamilya ng biktima si Arjay sa kanilang lugar.

Agad inireport ito sa pulisya na nauwi sa pagkakaaresto sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply