Nagtalo sa utang, misis binoga ni mister

KRITIKAL ang kalagayan ng 26-anyos na ginang nang barilin ng kanyang mister matapos mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang pag-uusap hinggil sa hindi nila mabayarang pagkakautang sa Taguig City.

Agad isinugod ng kanyang mga kapitbahay sa pagamutan si Cristine Mae Longgalit, sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng dibdib nang tumakas kaagad ang kanyang mister na si Alex Matimbang.

Sa imbestigasyon, nagkaroon ng pag-uusap ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Quiapo 2 Cagayan De Oro St., Brgy Maharlika Village dakong 12:30 ng hatinggabi hinggil sa kanilang pagkakautang.

Nang magkasisihan ay nagkapikunan ang dalawa hanggang kumuha ng baril ang suspek at mabaril ang kanyang misis.

Kasalukuyan pang inoobserbahan ang kalagayan ng misis, habang hinahanting na ng awtoridad ang kanyang mister.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply