Nagtampo kay mister, misis lumaklak ng alcohol

DAHIL sa sama ng loob sa kanyang mister kaya nagawang uminom ng rubbing alcohol ng isang misis sa Aklan.

Ginagamot pa sa Provincial Hospital ang 20-anyos na si Cherry Balangait, ng Brgy. Sta. Cruz, Lezo, Aklan.

Sa pahayag ng kinakasama ng biktima, uminom ng rubbing alcohol si Balangit nang magkapikunan sila sa isang pinagtatalunan isyu.

Nang iwan niya sandali ang babae para magpalamig ng ulo ay kinuha naman iyon na pagkakataon ni Balangait para uminom ng alcohol.

Pagkahilo at pananakit ng tiyan ang unang inireklamo ng biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply