Nagtatangka kay PNoy nabawasan

NANINIWALA si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na nabawasan na ang mga grupo na nais siyang mapatalsik sa puwesto.

Ito ay batay umano sa briefing sa kanya ng intelligence community.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi na kagaya ng dati ang bilang ng mga nagtatangkang mapalayas siya sa puwesto.

Isa sa punay aniya nito ay ang kakaunting bilang ng mga nagra-rally dahil sa aniya ay nakadarama na ang mga ito ng pagbabago.

Anang Pangulo, sa kanyang pagkakaintindi, nagsimula ang pagkilos ng tinatawag niyang “contrarians” noong bago pa siya manumpa bilang pangulo.

Ang mga contrarians aniya ay mga taong kahit anong sabihin niya ay hahanapan pa rin siya ng mali o pangontra.

Ang mga ito rin ay karaniwang nagpapalabas ng mga mapanirang kalatas o pahayag para masira ang kanyang administrasyon.

Nabatid pa sa Pangulo na nais ng mga ito na maibalik ang dating gawi upang makapagkamal muli ng salapi sa pamamagitan ng pananamantala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply