Nagte-test drive na estudyante, utas sa bala

PATAY ang isang binatilyong mag-aaral matapos barilin ng dalawang beses ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagte-test drive sa bago niyang biling motorsiklo sa General Santos sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang napatay na biktima na si Hector Gines Galero, 15, estudyante ng Labangal National High School.

Sa imbestigasyon, nagmamaneho ang biktima ng bago niyang motorsiklo nang bigla na lamang paputukan ng salarin.

Narekober sa crime scene ang empty shell ng kalibre .45 baril.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply