Nagtitilam-tilam na maging co-host ng show ni Willie!

SI ARCI Munoz ay loveless ngayon.

“Nakikipag-date ako, pero hindi showbiz,” aniya. Hindi raw totoong nanligaw sa kanya si Willie Revillame. “Hindi noh, hindi yan totoo! Hindi siya nanligaw sa akin.”

Pero inamin ni Arci na gusto niyang maging host ng Wil Time Big Time. “Sana naman tanggapin niya ako, gusto ko nga, e. Ako siyempre kung ibibigay sa akin di ba, sana naman tanggapin ako. Kung sakali lang, gusto ko lang i-try maging host.”

‘Yun  na!

-0o0-

PINABULAANAN ni Gwen Zamora ang isyu na nagkaroon sila ng relasyon ni Boy2 Quizon na kasamahan niya sa gag show ng GMA na Bubble Gang. Magkaibigan lang daw talaga sila.

“Kasi me and Dos (Boy2), we get along kasi we’re both into music. Coz my dad’s a musician. Parang iyon yung bonding time namin. So whenever we have time, pupunta kami sa mga underground music fest, mga ganun, but my dad is always there.

“It was more of parang kuya thing iyon, that’s how me and Dos are. I call him ‘Kuya Dos’ pero napipikon siya,” kuwento niyang makatsikahan namin siya sa presscon ng international movie niyang ‘The Witness’ na palabas sa March 21. “Pero until now, Kuya Dos pa rin.”

Sino ang crush niya sa showbiz?

“Aljur, siyempre! It will never change, until now, I still tease him, ‘Hi, Aljur!’ Pag nagge-guest siya sa Bubble Gang, palagi kong tinutukso, ‘Hi , Aljur! Can I sit next to you?’”

Ang reaksyon ni Aljur pag tinutukso niya…

“Wala, siya yung parang naiilang. Pero joke lang naman.”

Ang nagustuhan niya kay Aljur…

“Kasi he’s fun to talk too, kalog siya.”

Pero nilinaw ni Gwen na crush lang niya si Aljur; meron siyang non-showbiz guy na dine-date exclusively.

Crushes din ni Gwen sina Zanjoe Marudo and male model Marvin Kieffer.

Talbog!

-0o0-

BAGAMAT late dumating si Aljur Abrenica sa press screening ng ‘My Kontrabida Girl’ ay hindi na big deal ito dahil sa pagka-aliw ng mga press sa movie nila ni Rhian Ramos. Maraming eksena na matatawa ka at mag-i-enjoy dahil na rin sa touch ng direksyon ni Jade Castro.

Muli na namang ipinakita ni Chariz Solomon ang galing niya sa movie bilang alalay ni Rhian na kung saan mapatatawa ka.

Hiyawan at tawanan naman sa butt exposure nina Enzo Pineda, Kevin Santos, Sef Cadayona at Ken Chan.

Showing  na ang My Kontrabida Girl.

-0o0-

SA MGA gustong manood ng 28th Star Awards for Movies sa Meralco Theater, Ortigas Avenue, Pasig City ngayong araw na ‘to (Wednesday, March 14). 5PM po ang start. Libre po ito. Priority lang na papasukin ang mga may dalang invitation at saka papasukin ‘yung first 300 na walang imbitasyon hanggang sa mapuno ang venue.

Ang mga host ng Star Awards ay ang mahuhusay na actor at actress na sina Aga Muhlach, Derek Ramsay, KC Concepcion at Anne Curtis.

Guest performers sina Erik Santos, Angeline Quinto, Jake Cuenca, Maja Salvador, Matteo Guidicelli, Pauleen Luna, Ciara Sotto, Rodjun Cruz, Gab Valenciano, Robert Seña at Anja Aguilar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply