Nahihirapan sa mga gastusin: Ama, nagbigti

PAGPAPAKAMATAY ang naisip na solusyon ng isang 39-anyos na padre de pamilya dahil hindi na nito kayang harapin pa ang hirap ng buhay.

Ayon kay PO2 Bernardo Cayabyab, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section nakilala ang biktima na si Hariz Wariza, may-asawa, mekaniko ng 2453-D Arellano Ave., Singalong, Maynila.

Sa imbestiagsyon, dakong alas 4:00 kaninang madaling araw nang natagpuang patay ang biktima sa loob ng stock room na katabi ng palikuran sa inuupahang apartment.

Base sa salaysay ni Donna Wariza, 39, asawa ng biktima, nagising ito upang mag-CR nang bumulaga sa kanya ang mister na nakalambitin ang leeg sa iron grill gamit ang isang nylon cord.

Ayon kay Donna, posible aniyang hindi na nakayanan pa ng kanyang mister ang kaliwa’t kanang gastusin ng kanilang pamilya kaya nagawa nitong magpakamatay

Dagdag pa ni Donna na madalas magreklamo ang asawa kung paano nito pagkakasyahin ang maliit na suweldo sa pang-araw araw na gastusin.

Tumanggi naman ang pamilya na isailalim sa awtopsiya ang katawan ng biktima dahil naniniwala silang walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply