NAIA nawalan ng kuryente

UMABOT sa mahigit limang oras na nawalan ng supply ng kuryente ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Batay sa ulat ng  Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Office, nag-trip off ang switch sa main line ng Meralco na nagsusuply ng kuryente sa buong Terminal 3 mula alas-12:00 hanggang alas-5:00 ng madaling-araw.

Hindi naman iniulat kung technical o human error ang naging dahilan ng pagti-trip off ng main line ng Meralco.

Ang temporary brown out ay nagbunga  ng mahabang pila ng mga pasahero papasok ng terminal dahil kailangang imanu-mano ang pagsuri sa mga bagahe.

Bagama’t may generator ang NAIA Terminal 3, hindi naman nito kayang suplayan ng sapat na kuryente ang mga baggage x-ray machine. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply