NAIA terminal 1 nabulabog sa sumabog na acetylene tank

NAGKAROON ng tensyon sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City matapos sumabog ang isang acetylene tank kaninang 9:10 ng umaga.

Bahagyang nagkagulo sa loob ng NAIA nang akalain ng mga pasahero na bomba ang sumabog.

Ayon kay Connie Bungag, hepe ng NAIA media Affairs Bureau, na ginagawa ang elevator sa terminal 1 at ginagamitan ng acetylene ang pagkumpuni sa hagdanan nang biglang sumabog ang tangke nito.

Ani Ms. Bungag walang dapat pangambahan dahil hindi baril o bomba ang sumabog kundi isang tangke ng gas.

Wala naman iniulat na nasaktan sa naturang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply