Nairita sa payo, biyudo sinapak ng anak tigbak

KASONG parricide ang isasampa laban sa isang magsasaka matapos mapatay sa suntok ang sariling tatay sa Isabela nitong Linggo ng gabi, Marso 19.

Nakakulong na ang suspek na si Antonio Ecias Jr, 25, magsasaka at residente ng Bacnor East, Burgos, Isabela.

Naisugod pa sa ospital si Antonio Ecias Sr., 62, biyudo subalit namatay din sanhi ng pagkabagok ng ulo sa semento.

Sa ulat ng PNP headquarters sa Camp Crame, naganap ang insidente alas-10:35 nitong Linggo ng gabi sa bahay mismo ng biktima.

Bago ito, umuwing lasing ang suspek at sa hindi malamang dahilan ay inaway ang misis nito na nagsumbong naman sa kanyang biyenan na nakatira lamang sa tabi ng kanilang bahay.

Imbes makinig sa payo ng ama ay sinuntok ng suspek ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply