Nakasalamuha ng paslit na namatay sa meningococcemia hinahanap ng DOH

NAGSASAGAWA ngayon ng contact tracing ang Department of Health (DOH) sa mga taong nakasalamuha ng isang pitong-taong gulang na batang babae na namatay sanhi ng meningococcemia sa Kibawe, Bukidnon.

Ayon kay Dr. Helen Rose Tubog, Municipal Health Officer ng bayan ng Kibawe, na kanila nang inaalam kung sinu-sino ang mga taong nakasama o nakausap ng biktima bago ito namatay dahil sa naturang sakit.

Gayunman, tiniyak naman ni Dr. Tubog na nabigyan na ng preventive medicine ang mga nagkaroon ng contact dito partikular ang kanyang pamilya, mga nakasama sa silid na pasyente, nurse at staff ng Bukidnon General Hospital kung saan namatay ang grade 2 pupil kahapon (Marso 13).

Tiniyak din ng doktor na selyado ang ataul ng hindi pinangalanang biktima bago ito inalis sa pagamutan upang hindi makahawa pa.

Nabatid sa kagawaran na ang sakit na meningococcemia ay sanhi ng pagkalat ng bacteria sa dugo.

Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, stiff neck, rashes, pagbaba ng presyon ng dugo, ubo, kumbulsyon, sore throat at iba pang respiratory infections.

Nilinaw din ng DOH na nagagamot ang meningcococcemia.

Nabatid pa sa DOH na makakahawa lamang ito kung magkakaroon ng direct contact at exposure sa infected person.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply