Nakialam sa negosyo ng pusher binaril, malulumpo

POSIBLENG malumpo ang isang construction worker, makaraang barilin ng kanyang kapitbahay na pusher dahil sa pakikialam sa kanyang negosyo sa Navotas City kagabi (Marso 9).

Kinilala ang biktimang si Rolando C. Lima, 36-anyos, ng Little Samar, Barangay San Jose, Navotas City, habang ang suspek ay nakilala lang sa alyas na “Rannie Santos,” nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Batay sa report na isinumite sa tanggapan ni Sr. Supt. Florendo Quibuyen, hepe ng Navotas City PNP, dakong alas-9:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa isang bakanteng lote sa nabanggit na address.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naglalakad ang biktima nang makita nito ang suspek na nagre-repack ng umano’y pinatuyong dahon ng marijuana  at pagbawalan, dahilan para magalit ang suspek.

Dahil dito, nairita ang suspek at binunot nito ang hindi batid na uri ng baril na nakasukbit sa beywang nito at binaril sa kanang tuhod ang biktima.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril habang isinugod sa Jose Reyes Hospital ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply