Nakolektang buwis ng Quezon City tumaas sa P11B

TUMAAS ng P1.4 bilyon ang koleksyon sa buwis ng Quezon City government para maabot ang P11 bilyon target nitong nakalipas na taon.

Ayon sa ulat, halos naabot ng lungsod ang tax collection na 574 % na mas mataas ng dalawang doble nitong 2010.

Sinabi ni Edgar T. Villanueva  city treasure ng QC, nakolekta ang lungsod ng P11 bilyon sa business at real property tax nitong nakalipas na 2011.

Nauna rito, magugunitang nitong nakalipas na 2010 nakakolekta ang lungsod ng P9.5 bilyon sa business at real property taxes.

Ayon kay Villanueva, mas maraming negosyante na mas pinipili ang mamuhunan sa Quezon City dahil sa seguridad at magandang environment ng lungsod.

Tiniyak din ng tresurero ng lungsod na mas mahihigitan pa nila ang nakolektang buwis ng lungsod ngayong taon.

Ang Quezon City ang isa sa pangunahing lungsod sa Metro Manila na may pinakamataas na koleksyon sa buwis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply