Namboso sa SMB model kinasuhan na

KINASUHAN na kanina ng unjust vexation sa Quezon City Prosecutors Office ang isang manager na namboso sa modelo ng San Miguel Beer habang nasa comfort room ng isang bar sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Ang suspek na sinampahan ng kaso ay si Anacleto Devera, 25, binata, marketing manager ng 49-A Morato St., corner Umali St., San Francisco del Monte, QC.

Nagharap ng reklamo ang complainant na si Krystele Rins, 26, model ng San Miguel Beer, ng Unit 12, Ber Bank Tower II Californian Garden Tower, Libertad St., Mandaluyong City .

Nabatid sa ulat ng Quezon City Police District Station 10 Kamuning, naganap ang insidente dakong 12:45 ng madaling-araw nitong Sabado sa Gerardos Bar sa Panay Avenue,cor, Scout Albano,Brgy. South Triangle, QC.

Ayon kay SPO1 Jun Vargas desk officer nagtungo ang complianant sa comfort room ng naturang bar nang bosohan ang una ng suspek habang nasa kubeta.

Nabisto lamang ang pamboboso ng suspek sa biktima matapos makita ng kasamahan ng complainant na si Christopher Sunga ang ginawang pamboboso ng suspek sa complainant dahilan para tumawag ito ng mga pulis at ipinaaresto ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply